525,600 minutes
525,000 moments so dear
Kulang pa siguro ang 6-digit number para mabilang ang mga pangyayari noong high school: mga oras na na-late o (maaga) akong dumating, mga away at pagbabati, pag-iyak, pagtawa, paglalakad-lakad sa soccer field, pagkain sa coop, mga bagsak at pasado na test, mga carol fest at mga panahon kung masarap lang talagang itigil lahat ng ginagawa mo at chumika kasama ang mga kaibigan. Kung isusulat ko silang lahat... hindi ako matatapos.
Habang pinapanood ko yung Bata-Bata movie, hindi ko tuloy maiwasang ma-miss lahat kayo. I can't help but wonder how you are all doing now...mahirap sigurong bumitiw dun sa idea na pareho tayong lahat ng mga pinoproblema. Grabe, iba na talaga ngayon... kanya-kanya na tayo ng mga daang tinatahak. Hindi katulad dati na isa lang ata ang isip nating lahat.
Ang sarap talaga balikan ng lahat ng mag nangyari, kung noon excited na excited na tayong umalis ng high school, noon eh nasisigaw na lang natin na 'ang sarap mag-college!' sa lahat ng hirap natin... eh ngayon parang mas gusto ko pang gumawa ng write-ups sa Earth Sci, mag-BIO ng 1 hr 20 minutes kada araw, kumuha ulit ng long test ni Sir Ian o mag-klase ng Stat at gumawa ulit ng IP para lang makasama ko kayo ulit. Nakakatuuwa, kasi hindi ko inisip noon na minsan isang araw masasabi ko yang mga yan :)
Ngayon ko lang ata masasabi ito (kahit late na)... uhm, gusto kong sabihin sa inyo na masaya ko kasi kayo ang kasama ko on those trying times... thankful ako sa bawat isa sa inyo, OO IKAW, kahit feeling mo eh hindi man lang nag-krus ang landas natin noon... in one way or another, naimpluwensiyahan mo ko... na-inspire o kung hindi naman ay na-motivate kahit na maganda man o masama ang naalala mo sa akin.
Tulad nga ng message ni Audrey sa cd, gusto ko ring sabihin sa inyong lahat na SORRY... sorry talaga sa lahat ng mood swings ko, o minsan bangag lang akong kausap, sa mga times na parang hindi ako 'involved' sa matters natin, at sa mga oras na mukha lang talaga kong ewan... SORRY at SALAMAT.
525,600 minutes
How do you measure, measure a year?
Totoo nga, sobrang bilis ng takbo ng panahon... parang kailan lang eh tawa pa tayo ng tawa sa “Tsaleynj” ni Ma'am Cavo, parang kailan lang noong nahuli kami ni Ma'am Nicolas na nagtotongits sa admin building (together with Jhobert and Hans), parang kailan lang iniiyakan ko pa ang mga long tests sa Physics, parang kailan lang eh gusto ng sumuko ng mata ko sa sobrang antok sa Stat, at parang kailan lang noong nagkakandarapa ang lahat sa pag-juggle ng issues sa IP with Entrance Exams.
Haha nakakatawa talaga kasi ang ginagawa kong timeline ngayon ng mga events noong high school eh yung mga significant events sa akin at sa buong Avo (at Bec for that matter).
Grabe! Ang sarap talagang bumalik sa mga panahong iyon, pero sadyang may mga bagay na sa ganda nila, ay ayaw mo ng ulitin. Yung tipo ng mga bagay na kapag naiisip mo eh npapangiti ka na lang for some strange reason? Kung baga, para siyang UPCAT... masarap lang balikan, pero hindi masarap ulitin :))
In daylights? In sunsets? In midnights? In cups of coffee?
In inches? In miles? In laughter? In strife?
Sukatan talaga ang pagod at puyat sa buhay Scientian... hindi ka ata matatawag na Scientian kung natutulog ka pa ng 8 hours a day :)) pero totoo, HINDI talaga madali maging Scientian- kaya warning dyan sa mga magulang dyan na ipapadala ang mga anak nila sa Science HS... ang masasabi ko lang... eh GOOD LUCK! Good luck hindi sa inyo, kundi sa mga anak niyo *evil smile*
On the serious side, hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga nangyari sa akin noong HS, being the daydreamer that I am, nakakatuwang isipin na kahit isa sa mga masasayang panahon na iyon ay hindi ko nagawang ma-imagine. Ang galing talaga ni Lord... yung mga bagay na hindi niya binibigay sa atin ay pinapalitan niya ng bagay na mas maganda pa sa inakala natin.
Totoong napakarami kong disappointments noon and I had my fair share of EMO moments... pero ang sayang isipin na marami talaga kong natutunan dun sa mga yun. Sinungaling ako kung sasabihin ko na tanggap ko na lahat ng mga yun... kasi hanggang ngayon naiisip ko pa rin sila, pero hindi na kasing sakit ng dati.
Kapag naiisip ko silang lahat ngayon, napapabuntung-hininga na lang ako, bittersweet memories ika nga nila. Sa Quesci, hindi mo talaga maiiwasang makisali, makialam, maki-halubilo, at ipakita at ibuhos ang lahat ng meron ka--- iba talaga ang buhay Scientian, parang may magic... It really brings out the best in you.
Kaya sa lahat ng hirap ko sa QUESCI, wow... masasabi ko talaga na it's all worth it---because it made me the person that I am now--- hindi perpekto, pero it's more than what I could ask for :)
In 525,600 minutes
How do you measure a year in the life?
How about love?
Measure in love... Seasons of love
Tulad nga ng message ng kanta... siguro nga panahon na para kalimutan na ang lahat ng masasakit na pangyayari noon... at alalahanin na lang ang mga magagandang bagay. It's hard to dwell on the past, trust me! Sobrang hirap... kasi tuwing magkakamali ka, o may bagay na you failed to achieve---iisipin mo na all of your faliures form a pattern... na destined ka talaga for faliure (oh well... ayan na naiiyak na ko).
What I'm saying is, try hard not to concentrate too much on your mistakes, failures or disappointments, instead, think of the people who comforted you or those who tried to make you happy in times that you were down... and then you'll realize how blessed you are. O di ba? It's just a matter of perspective! Para lang yan yung gasgas 'overused' na test kung ano bang tingin mo sa baso, half-filled o half-full :) Hindi mo na rin kasi mababago ang mga pangyayari, what's left for you to decide is whether or not you'll use these moments to help you be a better person.
525,600 minutes
525,000 journeys to plan
525,600 minutes
How do you measure the life of a woman or a man?
In truths that she learned?
Or in times that he cried?
In bridges he burned?
Or the way that she died?
Ang dami-dami nating pangarap hindi ba? Sa sobrang dami nga... eh yung iba sa atin eh hanggang ngayon hindi pa rin sure sa course niya (Well, join the club!). Hehe grabe! Can you believe it? Nasa stage tayo ng buhay natin kung saan ang dami-dami nating plano... plano kung paano nga ba magpapatuloy ang buhay natin after school.
Pero alam niyo, walang halong kaplastikan 'to ah, feeling ko eh lahat naman tayo eh maganda ang kapupuntahan! Kasi, yung mga pagsubok *nice word* sa Quesci, very similar din sa mga totoong pagsubok sa buhay. By pagsubok, I mean yung hindi sa acads ah, hindi yung x+25 apples na bibilhin mo sa grocery tapos magkano dapat mong dalhin kung ang isang apple ay nagkakahalaga ng 10 Php :))
KAYA NATIN ITO! Huwag lang tayo magsawa or mawalan ng motivation! Sa college parang may mga stereotyping comments na ang mga taga Science HS daw eh mayayabang... i-prove natin na hindi tayo or hindi lang tayo mayabang (HUWAT?). Ah basta, AJA! Go Fight!
It's time now to sing out though the story never ends
Uhm, hindi naman ako kumakanta (joke) at hindi pa naman talaga tapos ang istorya nating lahat dahil hindi pa tayo dedo... pero pipz! Kahit ano pang busy natin, don't forget to spare a moment or two para mag-reflect sa inyong past... kasi masarap talagang balikan ang moments natin! Very relaxing at inspiring siya, it's a nice break from all the things that we are doing now. Hindi mo alam, yung sagot pala sa problemang matagal mo ng pinag-iisipan ay makikita mo lang sa nakaraan... *awwww...*
Let's celebrate, remember a year in the life of friends
Remember the love
(You got to remember the love, you know that love is a gift from up above, share love, give love, spread love, Measure your life in love)
Seasons of love
Haha celebrate? :)) Lolz... kung hindi man natin yun magawa, let's just remember :)
Ayun...'wag kalimutang balikan lahat... lahat-lahat ng pinagsamahan natin. 'Wag kalimutan ang pagkakaibigan... at baunin lahat ng mga aral na natutunan natin sa paglalakbay sa buhay High School... Bon Voyage!
-End-
Hay grabe! 1:33 am na dito sa pc clock... ang sarap talagang mag-emo pag madaling araw hehe.
Hindi ko alam kung ito ang una at huling post ko sa reminiscence of high school moments... pero ayun, sana maraming makabasa... lalo na yung mga hindi ko na makita ngayong college. Sobrang proud kasi ako sa post na ito, kasi naibuhos ko lahat ng emosyon ko bigla :)
Hay... palapit na ang 2nd sem! Grabe... tulad nga ng sabi ko kanina, ang sarap mag-daydream tungkol sa mga possible happenings sa coming sem! Pero tama na ang pagde-daydream lang! Kasi ang dami ko na talagang emo time eh, parang minsan nga wala na akong na-a-accomplish.
KAYA TAMA NA ANG PAGi-EMO! It's time to make things happen! =0)
P.S.
Baka matagal-tagal pa bago ako makapag-post ng ganito kahaba ulit :))
SALAMAT! Sobrang salamat sa pagbabasa ng sobrang haba kong entry!
See you all sa 2nd sem! :)